‘Love what you’re doing; it shows in your offerings’ – Jenkin Daquil Reyes
Jenkin’s Cakes, Pastries and Desserts was established by Jenkin Daquil Reyes in 2016, with a startup capital of only PhP1,000. This has grown a lot… considering she just started selling ice candy.
Jenkin’s Cakes, Pastries and Desserts was established by Jenkin Daquil Reyes in 2016, with a startup capital of only PhP1,000.
Yes, this business has grown big over time; particularly if you consider that when it started, “nagsimula lang ako magenta noon ng ice candy at mango Graham pastillas yema,” Jenkins said.
But growing was sort of expected.
“Mabenta na noong panahon na yun ang ice candy ko so sa kakagawa ko naging lasang ice cream ang ice candy na ginagawa. Lalong naging mabenta,” Jenkin said. Eventually, “hinahanap-hanap na ng mga tao.”
The same thing happened to the mango Graham pastillas yema, which became an ice cream cake.
Admittedly, “sa simula, natuwa lang ako sa ginagawa ko; paubos oras at puros pagkakaperahan talaga ang iniisip ko. May mga times din na humihinto ako sa pag-gawa kasi may ‘pisonet’ din ako na binabantayan aside sa paggawa ng dessert. Pero lalong nagpahikayat sa akin na mag-aral pa ng mas malalim sa baking ay ang pinagdaanan ko na anxiety noong 2018 kasi nagka-problema ako sa anak ko na hindi na ipinakita sa akin ng biyenan at hipag ko. Dahil doon, naging malukungkutin ako; nagkaroon ako ng anxiety attacks at lagi akong umiiyak. Kaya ito ang naging daan para ubusin ko amg oras ko… sa pag-bi-bake.“
Jenkin moved from cakes to also learn about baking bread.
“Wala akong oras na hindi gumagawa; gusto kong mapagod sa pagkilos sa para malampasan ang kalungkutan na pinagdadaanan ko at masaya na din naman ako na ito ang naging outlet ko sa pinagdadaanan ko kasi kumikita pa ako at naalis sa isip ko ang mga bagay na nakakapagpalungkot sa akin.“
Looking back, Jenkins said she never thought this would eventually be her line of making a living, having finished BS Biology.
“Masaya lang ako noong una na nauubos ang mga ice candy na naging ice cream ice candy na may iba’t ibang flavors, hangggang sa naging cakes na nga,” she said. “Malayo ito sa course na kinuha ko.“
There remain challenges.
To start, there was the nervousness with baking since it wasn’t her field at all.
At the start, “kapag natikman ko ang gawa ko at nasarapan ako, binebenta ko. Pero kapag di ko gusto ang lasa at need pa i-improve, pinapakain ko lang ito ng libre. Hindi lahat ng gawa ko ay perfect agad kasi noong una wala pa akong tiwala sa sarili ko.“
There’s also the issue of pricing.
One time, “may isang nagtiwala na teacher ng anak ko na bumili sa akin.” She sold 50 pieces of cupcakes “at lugi ako kasi hindi ko pa alam kung magkano ang ipapatong ko. Basta sa sarili ko natuwa ako na may isang nagtiwala.”
Jenkin said that “sa mga pagkakamali… doon din ako natuto.“
Looking back, “sa tingin ko nakuha ko naman na ang pinuhunan ko. Actually wala naman akong gaanong ginastos kasi ang oven ko ay bigay ng ate ko na nasa ibang bansa; nakikita niye kasi ang sipag at determinasyon ko kaya niregaluhan niya ako ng mga gamit.”
At times she also buys secondhand equipment.
And now for people who may want to also open their business, what tips can Jenkin give?
“Sa mga gusto mag-balak na magtayo ng business… siguraduhin nila na masaya at mahal nila ang ginagawa nila. Hindi kasi maganda ang outcome kung napipilitan ka lang gawin ang isang bagay,” Jenkin said. “Pag-aralan din ng mas malalim kahit sa sarili mo lang need lang magbasa nang magbasa para matuto. Harapin din ang mga panahon na may paglubog yun din naman ang magtutulak sa atin para umahon.“